Someone to Care (Filipino Edition)

They share similar pasts, but that’s as far as they have in common.

Book Cover: Someone to Care (Filipino Edition)

After her parents die in an accident, Jennelle is passed around by her relatives. Hindi siya tumatagal ng isang taon sa piling ng mga kamag-anak bago siya itulak ng mga ito patungo sa iba.

At fifteen, nalibot na yata niya lahat ng isla sa Pilipinas. Not that she cares, because she has learned from the moment she loses her parents that not getting too involved with anyone will keep her from getting hurt. Subalit nagbago ang lahat ng iyon nang makilala niya si Valentine, ang adopted son ng distant relative niya kung saan siya sunod na titira. Like her, Valentine has been orphaned at a young age, but unlike her, Valentine loves to keep everyone close—except her. And as if sharing a home wasn’t enough of a torture, they would also be attending the same school.

This story first appeared in #BuqoYA 5: Perfect Moments bundle.

Excerpt:

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang masulyapan ko ang reflection ko sa glass wall ng film store na nadaan namin ni Tita Emilee. The one-inch-heeled sandals perfectly matched the simple baby blue dress that has a thin spaghetti strap, low enough neckline to show a bit of my cleavage, and asymmetric hem to show off my legs.

Tumigil sa masayang pagsasalita si Tita Emilee at tiningnan ako sa reflection ko. “With this, I’m sure that Val would be eating his words.” Sinundan ng malutong na tawang wika ni Tita Emilee, na nagpaalab ng husto sa puso ko.

Pagkarating namin sa restaurant, natagpuan namin na inip nang naghihintay sa labas si Valentine. Hindi niya ako napansin nang salubungin siya ng tanong ni Tita Emilee.

“What are you doing out here?”

“Ang tagal ninyong dumating kaya nahiya na akong umupo sa loob na walang ino-order. Pinag-uusapan na yata ako ng mga trabahador.”

READ MORE

Tumawa lang si Tita Emilee sa anak. “Nawili kasi kami sa pamimili ng damit ni Jennelle. She’s gorgeous on most of the dresses, it was hard to choose just a few.”

“Hah...” simula ni Valentine sa pagtawang hindi natuloy nang ibaling niya ang tingin sa akin. At tulad ng naisip ko, he did give me a second look!

Yes! nagdiriwang na saloob ko ngunit nang manatiling tulalang nakatingin sa akin si Valentine, biglang tinahip ng kaba ang dibdib ko. Stop staring! gusto ko sanang isigaw pero tila naka-zipper ang bibig kong di makaimik at nag-iinit ang mukhang nag-iwas ng paningin. Strange. I was nervous.

COLLAPSE

Minsan Pa (Filipino Novel)

Book Cover: Minsan Pa (Filipino Novel)
Part of the Minsan Pa (Filipino) series:
  • Minsan Pa (Filipino Novel)

Natutong mahalin ni Neena si Yuusuke noong teenagers pa lamang sila. Subalit sobra siyang nasaktan sa bigla nitong pagkawala ng walang paalam. Sa paglipas ng mga taon wala siyang naging balita rito maliban sa mga scandal nitong nababasa niya sa mga magazines. But after eleven years, Yuusuke’s back as her boss at muling pinalalambot ang puso niyang akala niya ay naging bato na pagdating sa pag-ibig.

Minsan Pa, is a wholesome Filipino Romcom

Excerpt:

Bumaling si Neena sa pinakabata sa tatlo. Tulad ng huli ay singkit din ang mga mata nito pero mas makapal ang mga kilay, mahahaba ang pilikmata at mas matangkad. Para itong modelo dahil sa porma at kaguwapuhang taglay ngunit higit sa lahat, talagang ma-awtoridad ang tindig at tiim ng mga titig nito.

Nangatog ang mga tuhod ni Neena nang mas mataman pa niya itong mapagmasdan. Habang papalapit ito ay lalong kumabog ang kanyang dibdib. Hindi siya maaring magkamali. Ito ang madalas ma-feature sa mga magazines bilang isa sa mga sucessful young men at kung anu-ano pang papuri ang itinawag ng media rito. Nakapagtapos ito ng college sa US at napapabalitang maraming babae ang nahuhumaling at nangangarap na mapansin nito.

Alam ni Neena na hindi dahil sa paghanga ang kabog ng dibdib niya ngayon. Kumakabog iyon dahil sa bumabangong galit sa kanyang puso.

“Yuusuke!” sigaw ni Neena nang lampasan siya ng lalaki na tila ni hindi man lamang siya nakilala.

READ MORE

Lumingon ito at tulad niya ay tila hindi rin ito makapaniwala. “Neena, is that—”

Hindi na natapos pa ni Yuusuke tanong, sinugod na niya ito ng tadyak sa sikmura. Pumaibabaw siya sa binata nang mawalan ito ng balanse at inumangan ito ng suntok sa mukha.

“Miss Salcedo, ano'ng ginagawa mo?” singhal ni Mr. Canlas bago pa man niya nasuntok ang mukha ng gulat na gulat na binata. “Hindi mo ba alam na anak 'yan ng boss mo?”

“Ano?” hindi makapaniwalang sambit ni Neena. Tumingin siya kay Yuto Satuo na nakangiti lang na nakatingin din sa kanya

COLLAPSE

No One Else but You (Filipino Novel)

“I can’t date anyone other than the man I’m in love with, I don’t like having substitutes.”
“I know, that’s why I’m trying to win your love. Because when I finally have your heart, I know you would never falter.”

Kahit na ilang beses nang masaktan si Sandra dahil hindi humigit sa kaibigang pagturing sa kanya ni Léonce, inakala pa rin niyang ito lamang ang lalaking patuloy na maghahari ng puso niya.
Subalit lumabo ang lahat sa pagdating ni Ryder, isang misteryosong Englishman na determinadong makuha ang pagmamahal niya, at ni Dawn, ang panibagong rival niya sa atensyon ni Léonce.
To make her used to be peaceful life into a complete mess, she also has a stalker who knows about her dark past.

Excerpt:

Hindi niya maipaliwanag pero ganoon pala kasarap ang makarinig ng pagtatapat ng isang lalaki, it was satisfying but she knew better than to just immediately turn him down again. Kung may isa man siyang napatunayan sa buong araw nilang pagkakasama at iba pang mga sandaling nagkasama sila, iyon ay kung walang isang Léonce na naunang nagmay-ari sa puso niya, si Ryder ngayon ang isisigaw ng puso at isipan niya.

Pinutol niya ang pakikipagtitigan sa binata at tumingin sa nagkukulay cotton candy na mga ulap. “Why?” iyon ang unang kataga na lumabas sa bibig niya. “Why do you love me, Ryder?”

READ MORE

“To be honest, I first fell for the you who loved someone so sincerely. Your love was so strong you didn’t waver even if I was sure I finally got you many times. I don’t know when it changed, but when I received that text from Saul saying you were kidnapped, that’s when I realized how much I love you.” Nilingon niya ang binatang nahiga at patuyang tinawanan ang sarili. “You see when I truly fall in love, I get selfish.”

“Were you?” tanong niya.

“Yes. I wanted to have your smile, your laugh, your tears all for myself. I wanted to selfishly save you by myself even if I knew it wasn’t possible. And when I watched you sleep on my bed that day, all I wanted to do was hide you away.” Ryder put his fingers up. “I was this close to kidnapping you myself.”

Mahina siyang tumawa. “You wouldn’t.”

“You’re right.” Nanlaki ang mga mata niya sa bigla nitong pagsang-ayon. Naupo ito ng tuwid at itinuro ang puso niya. “It’s not possible because what I want to steal is the hardest thing to get.”

COLLAPSE

Surrender to Love (Filipino Novel)

Power of love, bulong ng isang bahagi ng isip ni Pamela na agad niyang isinantabi. Power-of-love… bullshit! No money, no honey. Iyan ang madalas na nangyayari sa mga nagmamahalan kapag naghihirap. Money makes the world go round!

Simula nang magpakamatay dahil sa pag-ibig ang Aunt Julie niya, “stick to reality” ang naging personal motto ni Pamela, na walang naging ibang ambisyon kundi ang makahanap ng mayamang mapapangasawa. Okay lang sa kanya kung hindi kagwapuhan ang isang lalaki; what’s important is that he has lots of money.

Subalit nagbago ang lahat ng iyon nang makilala niya ang French fiancé ng matalik na kaibigan at kinaiinggitan niyang pinsang si Liberty. Agad tumaas ang pangarap niya. Gusto na rin niyang makahanap ng isang mayaman at gwapong lalaki.

Pero matutupad kaya iyon kung may isang charismatic na taxi driver na palaging umaaligid at sumisira sa mga plano niya?

A French FairyFail (Filipino Novel)

“Have a heart check woman,” sabi ni Lex na ikanasalpok ng mga kilay ni Liberty.
“What do you mean?”
“Are you sure you love him or you just love the thought of being in love with him?”

Tumungong France si Liberty sa hangaring mahanap roon ang prinsipeng pinapangarap. Doon niya nakilala si Lèonce, isang lalaking tila binuhay mula sa kanyang mga isinusulat na fairytales stories, kaya naman agad niyang pinangarap makarelasyon ito, subalit bakit nang labis siyang nasasaktan ay walang ibang naruon kundi si Lex? Ang lalaking nagpakita ng pagkamuhi sa kanya sa simula pa lamang ng kanilang pagkakakilala.