Minsan Pa (Filipino Novel)

Book Cover: Minsan Pa (Filipino Novel)
Part of the Minsan Pa (Filipino) series:
  • Minsan Pa (Filipino Novel)

Natutong mahalin ni Neena si Yuusuke noong teenagers pa lamang sila. Subalit sobra siyang nasaktan sa bigla nitong pagkawala ng walang paalam. Sa paglipas ng mga taon wala siyang naging balita rito maliban sa mga scandal nitong nababasa niya sa mga magazines. But after eleven years, Yuusuke’s back as her boss at muling pinalalambot ang puso niyang akala niya ay naging bato na pagdating sa pag-ibig.

Minsan Pa, is a wholesome Filipino Romcom

Excerpt:

Bumaling si Neena sa pinakabata sa tatlo. Tulad ng huli ay singkit din ang mga mata nito pero mas makapal ang mga kilay, mahahaba ang pilikmata at mas matangkad. Para itong modelo dahil sa porma at kaguwapuhang taglay ngunit higit sa lahat, talagang ma-awtoridad ang tindig at tiim ng mga titig nito.

Nangatog ang mga tuhod ni Neena nang mas mataman pa niya itong mapagmasdan. Habang papalapit ito ay lalong kumabog ang kanyang dibdib. Hindi siya maaring magkamali. Ito ang madalas ma-feature sa mga magazines bilang isa sa mga sucessful young men at kung anu-ano pang papuri ang itinawag ng media rito. Nakapagtapos ito ng college sa US at napapabalitang maraming babae ang nahuhumaling at nangangarap na mapansin nito.

Alam ni Neena na hindi dahil sa paghanga ang kabog ng dibdib niya ngayon. Kumakabog iyon dahil sa bumabangong galit sa kanyang puso.

“Yuusuke!” sigaw ni Neena nang lampasan siya ng lalaki na tila ni hindi man lamang siya nakilala.

READ MORE

Lumingon ito at tulad niya ay tila hindi rin ito makapaniwala. “Neena, is that—”

Hindi na natapos pa ni Yuusuke tanong, sinugod na niya ito ng tadyak sa sikmura. Pumaibabaw siya sa binata nang mawalan ito ng balanse at inumangan ito ng suntok sa mukha.

“Miss Salcedo, ano'ng ginagawa mo?” singhal ni Mr. Canlas bago pa man niya nasuntok ang mukha ng gulat na gulat na binata. “Hindi mo ba alam na anak 'yan ng boss mo?”

“Ano?” hindi makapaniwalang sambit ni Neena. Tumingin siya kay Yuto Satuo na nakangiti lang na nakatingin din sa kanya

COLLAPSE

Surrender to Love (Filipino Novel)

Power of love, bulong ng isang bahagi ng isip ni Pamela na agad niyang isinantabi. Power-of-love… bullshit! No money, no honey. Iyan ang madalas na nangyayari sa mga nagmamahalan kapag naghihirap. Money makes the world go round!

Simula nang magpakamatay dahil sa pag-ibig ang Aunt Julie niya, “stick to reality” ang naging personal motto ni Pamela, na walang naging ibang ambisyon kundi ang makahanap ng mayamang mapapangasawa. Okay lang sa kanya kung hindi kagwapuhan ang isang lalaki; what’s important is that he has lots of money.

Subalit nagbago ang lahat ng iyon nang makilala niya ang French fiancé ng matalik na kaibigan at kinaiinggitan niyang pinsang si Liberty. Agad tumaas ang pangarap niya. Gusto na rin niyang makahanap ng isang mayaman at gwapong lalaki.

Pero matutupad kaya iyon kung may isang charismatic na taxi driver na palaging umaaligid at sumisira sa mga plano niya?