No One Else but You (Filipino Novel)

“I can’t date anyone other than the man I’m in love with, I don’t like having substitutes.”
“I know, that’s why I’m trying to win your love. Because when I finally have your heart, I know you would never falter.”

Kahit na ilang beses nang masaktan si Sandra dahil hindi humigit sa kaibigang pagturing sa kanya ni Léonce, inakala pa rin niyang ito lamang ang lalaking patuloy na maghahari ng puso niya.
Subalit lumabo ang lahat sa pagdating ni Ryder, isang misteryosong Englishman na determinadong makuha ang pagmamahal niya, at ni Dawn, ang panibagong rival niya sa atensyon ni Léonce.
To make her used to be peaceful life into a complete mess, she also has a stalker who knows about her dark past.

Excerpt:

Hindi niya maipaliwanag pero ganoon pala kasarap ang makarinig ng pagtatapat ng isang lalaki, it was satisfying but she knew better than to just immediately turn him down again. Kung may isa man siyang napatunayan sa buong araw nilang pagkakasama at iba pang mga sandaling nagkasama sila, iyon ay kung walang isang Léonce na naunang nagmay-ari sa puso niya, si Ryder ngayon ang isisigaw ng puso at isipan niya.

Pinutol niya ang pakikipagtitigan sa binata at tumingin sa nagkukulay cotton candy na mga ulap. “Why?” iyon ang unang kataga na lumabas sa bibig niya. “Why do you love me, Ryder?”

READ MORE

“To be honest, I first fell for the you who loved someone so sincerely. Your love was so strong you didn’t waver even if I was sure I finally got you many times. I don’t know when it changed, but when I received that text from Saul saying you were kidnapped, that’s when I realized how much I love you.” Nilingon niya ang binatang nahiga at patuyang tinawanan ang sarili. “You see when I truly fall in love, I get selfish.”

“Were you?” tanong niya.

“Yes. I wanted to have your smile, your laugh, your tears all for myself. I wanted to selfishly save you by myself even if I knew it wasn’t possible. And when I watched you sleep on my bed that day, all I wanted to do was hide you away.” Ryder put his fingers up. “I was this close to kidnapping you myself.”

Mahina siyang tumawa. “You wouldn’t.”

“You’re right.” Nanlaki ang mga mata niya sa bigla nitong pagsang-ayon. Naupo ito ng tuwid at itinuro ang puso niya. “It’s not possible because what I want to steal is the hardest thing to get.”

COLLAPSE